NAGHAIN ang TV host and movie actor na si Vic Sotto ng kasong kriminal laban sa director nasi Daryl Yap.
Si Sotto ay sinamahan ng kanyang maybahay na si Paulene Luna sa Muntinlupa Regional Trial Court sa pagsasampa ng kaso Huwebes ng umaga.
Ayon kay Atty. Enrique Dela Cruz Jr. na abogado ni Sotto 19 counts of cyberlibel case ang isinampa laban kay Yap dahil sa kontrobersyal na trailer ng pelikula patungkol sa pumanaw na sexy star na si Pepsi Paloma.
Nabatid na sa trailer ay na highlight ang katanungan kung ni rape nga ba ni Vic Sotto si Pepsi Paloma.
Sinabi ni Atty. Dela Cruz na ang nasabing trailer ay nagdulot ng di maganda sa pamilya ni Sotto tulad ng rape threat kay Paulene at pambubully naman sa eskwelahan ang nararanasan ng kanilang anak na si Tally.