Vice defense minister ng South Korea at Japan, magsasagawa ng bilateral talks

Vice defense minister ng South Korea at Japan, magsasagawa ng bilateral talks

MAGSASAGAWA ang South Korea at Japanese vice defense minister ng in-person meeting ngayong linggo sa Seoul sa unang pagkakataon sa loob ng anim na taon.

Kabilang sa pag-uusapan ang ilang mga isyu gaya ng radar lock-on dispute taong 2018 at defense at security cooperation.

Makikipagkita rin si South Korean Vice Defense Minister Shin Beom-Chul kay Japanese Vice Minister of Defense for International Affairs Masami Oka sa darating na Miyerkules para sa sidelines ng taunang International Security Forum.

Ang Bilateral Vice Defense Ministerial Meeting ay isasagawa sa unang pagkakataon mula 2016.

Ang pagpupulong na ito ay isasagawa kasabay ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter