Vico Sotto sa mga iskolar: Maging aktibong mamamayan ng Pasig City

Vico Sotto sa mga iskolar: Maging aktibong mamamayan ng Pasig City

MAGING aktibong mamamayan ng Pasig City.

Yan ang naging mensahe ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa 5,000 scholars sa Pasig City Scholars General Assembly.

Pinaalalahanan ng alkalde ang mga iskolar kaakibat ng nasabing scholarship program ay responsibilidad na mag-aral nang maigi at maging mahusay sa lahat ng gagawin.

Aniya ang pondo na nakalaan para sa scholarship ay hindi ”cost or expense” kundi isa itong investment para sa susunod na henerasyon.

Humigit kumulang 23,000 iskolar ang tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Pasig City para sa School Year 2022-2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter