Viewing areas sa inagurasyon ni PBBM, pinaghahandaan ng PNP

Viewing areas sa inagurasyon ni PBBM, pinaghahandaan ng PNP

PATULOY ang konsultasyon ng Philippine National Police (PNP) sa mga may-ari ng malalaking TV screen sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang bahagi ng bansa.

Ito ay para sa live coverage ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.

Sa isang pahayag ni PNP director for operations Police Major General Valeriano De Leon, sinabi nito na magsisilbi ring viewing areas ang Philippine Arena sa Bulacan, Mall of Asia sa Pasay City, Philippine Sports Center sa Pasig City, at North Luzon Express Terminal sa Bulacan.

Sa ngayon, nakahanda na aniya ang latag ng seguridad kabilang na ang deployment at traffic rerouting.

Tiniyak naman ni De Leon na magkakaroon ng mga itinalagang espasyo para sa mga magpoprotesta pero dapat silang manatili sa lugar upang maiwasan ang anumang  komprontasyon.

Una nang ipinag-utos ni PNP OIC Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang pag-iral ng maximum tolerance sa mga magpoprotesta sa inagurasyon ni President-elect Marcos.

Follow SMNI NEWS in Twitter