Vigan, Ilocos Sur, walang naitalang casualty – Mayor Singson

Vigan, Ilocos Sur, walang naitalang casualty – Mayor Singson

MASWERTE kung ituring ni Vigan City, Ilocos Sur Mayor Bonito Singson Jr. at walang nasawi at major damages sa kanilang lugar.

Kasunod ito sa nangyaring 7.0 magnitude na lindol kung saan sa Abra ang epicenter.

Ito ang kinumpirma ni Mayor Singson sa panayam ng SMNI News.

Gayunpaman, naitala ang mahigit kumulang 10 na sugatan.

Siniguro din ni Mayor Singson na stable ang suplay ng kuryente sa kanilang lugar at hindi rin apektado ang kanilang power system.

Sa tala, umaabot sa 190 ancestral houses ang naapektuhan sa naturang paglindol.

Follow SMNI NEWS in Twitter