Eksaktong alas-otso ng gabi ngayong Sabado, nagsindi ng kani-kanilang kandila ang ilang tagasuporta ni Vice President Sara Duterte sa harapan ng Veterans Memorial Medical Center.
Ito ay bilang dasal para sa pagbabago ng sistema ng pamamahala sa bansa at, anila, upang mailayo ang Pilipinas mula sa mga mapang-abusong lider.
Matatandaang kaliwa’t kanan ang pambabatikos na kinakaharap ngayon ng tanggapan ng bise presidente kaugnay ng mga isyung politikal.