Villar, binigyan pa ng mas maraming ngipin ang batas para sa agri sector

Villar, binigyan pa ng mas maraming ngipin ang batas para sa agri sector

BINIGYAN pa ng mas maraming ngipin ang batas para protektahan ang agriculture sektor.

Ito ay matapos niratipikahan ng Senado ang Bicameral Conference Committee report sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na ipinasa noong Marso 20, 2024 at sinertipikahang bilang urgent ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aabot naman sa siyam na salient features ang ginawa para sa naturang batas.

Layon nito na wakasan ang paghihirap ng mga magsasaka at mga konsyumer laban sa cartel, smuggling, at iba pang katiwalian.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, “self-preservation” ito laban sa pagmamanipula ng economic saboteurs at protection din sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble