Villar, ikinagalak ang pagsasabatas ni  Pres. Duterte sa kanyang bill sa abaca at itlog

Villar, ikinagalak ang pagsasabatas ni Pres. Duterte sa kanyang bill sa abaca at itlog

 

IKINAGALAK ni Senator Cynthia Villar ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa dalawang batas na kumikilala sa kahalagahan ng industriya ng abaca at itlog sa pagsulong ng bansa.

Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act No. (RA) 1170 na nagdedeklara sa lalawigan ng Catanduanes bilang “Abaca Capital of the Philippines.”

Pinirmahan din niya ang RA 11707 na ginagawang “Egg Basket of the Philippines” ang munisipalidad ng San Jose sa Batangas.

Pinangunahan ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, ang pagsusulong para maisabatas ang kanyang panukalang batas upang gawin ang Catanduanes at San Jose na abaca capital at egg basket, ayon sa pagkakasunod-sunod.

 “As sponsor of these bills, I had urged my colleagues  in the Senate to support them,” ani Villar.

Kumpiyansa si Villar na lalago ang ating abaca industry sa pagsasabatas ng RA 1170. Sinabi niya na matagal ng leading producer ng abaca ang Pilipinas.

 “And Catanduanes is the highest producer with 31.72% contribution in the country’s abaca production in 2020, 33.74% in 2019 and 33.37% in 2018,” sabi ni Villar.

“Catanduanes accounts for more than 80% of Bicol regions’ production, with at least 21,500 hectares of land dedicated to abaca planting,” dagdag pa niya.

Iginiit din niya na nangunguna ang Pilipinas sa global abaca trade.  Noong 2016, ang ating bansa ang supplier ng 87.5% abaca fiber requirements sa buong mundo na sinusundan ng Ecuador at Costa Rica na magkabahagi sa 12.5% na kailangang abaca.

Isinasaad sa bagong batas sa abaca na “the state recognizes the importance of the abaca industry and its development as a driver of rural development not only because of its singular potential as a raw material that can increase the country’s export earnings tremendously and put the name of the country in the map of the world for producing the biggest volume of abaca fiber but for having provided livelihood to many small farmers in the countryside.”

Ang batas naman sa San Jose bilang Egg Capital, ani Villar, ay malaking tulong sa ating food security at  sustainability.

“This will also recognize the hardship and efforts of our egg raisers from San Jose. They will be further motivated to serve as inspiration to more farmers in the country,” sabi pa ng senador.

“From starting as a backyard industry back in the 60s, San Jose Batangas took the lead and turned it into one of the most successful, if not the most successful industry, with the farmers evolving into agripreneurs, who continuously help innovate the agricultural practices in this small town,” dagdag pa ni Villar.

Sa pagsisikap ng egg farmers of San Jose, Batangas, sinabi  ni Villar na ang egg industry ay patuloy sa pagbibigay sa kanila ng kita at ang San Jose ay first-class municipality na may pinakamataas na egg production na may 70,000 tons itlog kada taon.”

Follow SMNI News on Twitter