Villar, itinutulak ang paglago ng produksyon ng niyog

Villar, itinutulak ang paglago ng produksyon ng niyog

DAHIL sa “matatandang” puno ng niyog na may bungang 40 nuts kada puno sa isang taon, isinusulong ni Senator Cynthia Villar na madagdagan ang produksyon ng ating niyog.

Iginiit ni Villar, chairperson ng Senate Agriculture and Food Committee, na  mas maraming niyog ang mae-export natin kapag tumaas ang produksyon nito.

Upang makamit ang adhikaing ito, sinabi ng senador na naglaan ng P1 billion sa pagpapaunlad ng hybrid coconut seed farms at  nursery para sa pagtatanim at  replanting.  Ipatutupad ito ng Philippine Coconut Authority at ng Department of Science and Technology- Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD).

“With hybrid coconuts, we are expecting 150 nuts per tree annually. Surely, increased production together with  other support in the form of training, insurance provision, crop diversification, research and product marketing, credit facilities, organization empowerment, infrastructure development, scholarship, and health and medical assistance will break our coconut farmers and their family from poverty,” paliwanag  ni Villar sa idinaos na Philippine Coconut Authority’s “Coco-Kwentuhan sa Negosyo” sa pagdiriwang ng Coco Month.

Binanggit din niya na kailangan ang patuloy na edukasyon at pagpapalawig sa kaalaman sa mga bagong  teknolohiya sa production at  post-production ng niyog.

“Despite the continuing pandemic which has affected all our lives, we still have many things to celebrate. And among which is the milestone of the passing into law the Coconut Industry Trust Fund Act, or RA 11524,” sabi pa ni Villar.

Binigyan diin niya na  napakahalaga ng pagsasabatas nito upang makamit ang adhikaing maiangat ang kabuhayan ng may  3.5 Million coconut farmers.

“The coconut trust fund belongs to our coconut farmers and their families. With   provision of scholarship for our coconut farmers and their children, an annual allocation of 8% and 10% for health and medical programs on top of Philhealth coverage, I am confident this will improve the quality of lives of our coconut farmers,” dagdag pa niya.

Dahil sa Coconut Industry Trust Fund Act, umaasa siyang mareresolba ang maraming isyu na hadlang sa lubusang pag-unlad  ng  industriya ng niyog.,

Mabibigyan ng Coconut Industry Trust Fund Act ang Coconut Farmers and Industry Development Plan ng direksyon ang pamahalaan para sa karagdagang kita, pag-angat mula sa kahirapan at pagkakapantay-pantay sa hanay ng magsasaka ng niyog.

“I am taking this opportunity to call partners of the coconut farmers in the government to exert all possible energy in ensuring that the set goal for our coconut farmers is achieved.”

Tinatawag na  ‘tree of life,’ pangunahing export ng bansa ang niyog.  Nag-aambag ifo ng 3.6% gross value sa agrikultura ng Pilipimas.

Base sa pag-aaral ng United Nation, ang mono cropping ang isang dahilan sa magandang ‘performance’ ng ating agrikultura.

 “And this is something that is remedied under the law. I proposed, and fortunately found support from the other senators, that we actively encourage and promote crop diversification.”

“As such, 10% of the annual allocation is identified for improving coconut farms through diversification and/ or intercropping with livestock, dairy, poultry, coffee, and cacao to be jointly implemented by our Department of Agriculture’s High Value Crops Development Program, National Dairy Authority and the Department of Agriculture’s Bureau of Animal Industry. 4% annual allocation for insurance would complement the intended goal of increased production of our coconut farmers. Insurance provision would help our farmers by giving them peace of mind as they face the different risk in the agricultural sector.”

Suportado rin ng batas na may nakalaang 8% ng budget ang patuloy na edukasyon at pagkuha ng kaalaman sa production at  post-production ng niyog na ipinatutupad ng  TESDA at Agriculture  Training  Institute (ATI).

SMNI NEWS