Villar, magsasampa ng MR sa pagpayag sa Manila Bay reclamation sa Las Piñas, Parañaque

Villar, magsasampa ng MR sa pagpayag sa Manila Bay reclamation sa Las Piñas, Parañaque

IPINAHAYAG kahapon ni Senator Cynthia Villar na magsasampa siya ng Motion for Reconsideration (MR) sa Supreme Court (SC) dahil sa pagbibigay nito ng “go-signal” na i-reclaim ang lugar ng Manila Bay sa Las Piñas at Parañaque kasabay ng apela sa High Court na magkaroon ng iba at “fresh appreciation” sa Environmental Impact Assessment (EIA) rules.

Patuloy na pinaninindigan ni Villar na magdudulot ng malawakang pagbaha ang anumang reclamation project sa mga nasabing lugar dahil mahaharang nito ang daloy ng tubig mula sa anim ng mga ilog sa Manila Bay. Ang mga ito ay ang:

  1. Imus River sa Imus City
  2. Bacoor River sa Bacoor City
  3. Molino River sa Bacoor City
  4. Zapote River na nasa Bacoor Las Piñas cities
  5. Las Pinas River sa Las Piñas City at
  6. Parañaque River sa Parañaque City.

Sa katunayan, ang pinsala sa Imus River ang naging sanhi ng kaso ni Atty. Antonio Oposa- ang Ramon Magsaysay Awardee for Environmental Law. Dahil dito, nagpalabas ang SC ng Mandamus sa Manila Bay.

Sa pagkilala natin sa unang taon ng “UN Decade for Ecological Restoration,” nanawagan ang senador sa court magistrates na muling bisitahin ang kanilang ruling na pabor sa panukalang proyekto ng Alltech Contractors na i-develop ng ilang ektarya ng lupa sa Las Piñas at Parañaque na parehong  nasa baybayin ng Manila Bay.

“This and the Declaration by Congress of the existence of a Climate Crisis, and the two reports of the Nobel-Laureate group Intergovernmental Panel on Climate Change, have long since rendered any decisions of the DENR made in 2012 irrelevant,” giit ni Villar.

With due respect, sinabi ni Villar na maaari ring bigyan ng SC ng judicial notice ang Expanded National Integrated Protected Areas System (ENIPAS) Act o RA 11038 na nasaibatas noong 2018.

“This legislated the now renamed Las Piñas Parañaque Wetland Park (formerly LPPCHEA) into a protected area, noting that this was included in the Ramsar Convention list of Wetlands of International Importance,”dagdag nito.

Sinabi rin niya na ikinokonsidera ng DENR ang lawak ng buffer zone na kailangan sa conservation.

“The DENR’s procedures on EIA should take into consideration all these 94 newly established Protected Areas (PAs),” ayon kay Villar, chairperson ng Senate Environmental Committee.

“We have long imagined that the ecological services like the flood drainage mechanisms and the filtering capacity of the soil will be there forever.  But without proper care, and paying the costs of that care, these services will dissipate.  The EIA system must account for this degeneration,” saad nito.

Kamakailan lamang, kinatigan ng SC ang Court of Appeals (CA) decision na nagbasura sa petition para sa kalikasan na inihain ni Villar at 315,000 petitioners upang ipatigil ang reclamation na kalapit ng international important wetland.

Ayon kay Villar, nag-isyu ang SC ng decision walong taon matapos ibasura ng eight years CA ang kanyang petition na ihinto ang anumang reclamation project sa lugar.

Binigyan diin din niya na ang desisyon ng DENR na payagan ang reclamation ay nasapawan na ng maraming pag-aaral, scientific at valuation findings na karamihan ay wala sa case file.

“Worse, any environmental decision taken in an application for an Environmental Compliance Certificate (ECC) only has a 5 year validity, considering the changes in the surrounding environment and new scientific findings that may happen,” ayon kay Villar.

Sa kabila ng SC decision, sinabi rin niya na matagal nang repaso ang ECC of Alltech. Aniya, hindi rin dahilan ang kasong ito upang masimula ang proyekto.

“If the Supreme Court says the DENR currently has sufficient technical capacity to make a determination in this case of all the factors that need to be taken into account, then why is our environment still on the decline?” tanong ni Villar.

SMNI NEWS