SA pakikiisa sa pagdiriwang ng “National Clean Up Month” ngayong September sa bisa ng Proclamation No. 244, muling nanawagan si Senator Cynthia A. Villar para sa isang malinis at luntiang kapaligiran.
Ipinagdiriwang din ang World Clean and Green Week sa September 17 hanggang 23 kada taon.
Sa okasyong ito, hinihikayat ang mga komunidad na linisin at panatilihin ang kanilang kapaligiran bilang ambag sa “worldwide environmental preservation efforts.”
Bago ang pandemiya, pinangungunahan ni Villar, chairperson Committee on Environment and Natural Resources, ang mga paglilinis at mangrove planting sa iba’t ibang lugar sa National Capital Region (NCR).
“We would like to again and again instill in the minds of the public awareness on the importance of having a clean and green environment in our lives, especially now that we are facing a global health crisis,”ayon kay Villar.
“The children of our children and our great, great grandchildren would definitely reap the gains of our initiatives in working for a healthy environment and preserving them,” dagdag pa niya.
Bukod sa mangrove planting, itinitulak din ng senador ang urban gardening kasabay ng paulit-ulit na panawagan sa publiko na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit sa kapirasong lupa o walang laman na lata o plastik.
Aktibo ring lumalahok si Villar sa mga programa para linisin at ayusin ang Manila Bay na mayroong pinakamagandang sunset sa buong mundo.
Mahigit sa isang dekada na nang mag-isyu ang Supreme Court ng mandamus na nagtatakda sa concerned government agencies at local government units na linisin at ayusin ang Manila Bay. Inamin ni Villar na matagal pa bago maibalik ang kagandagan ng Manila Bay.
Patuloy si Villar sa pangunguna sa paglaban Manila Bay reclamation upang ma-preserve ang Las Piñas-Parañaque Wetland Park, ang 175-hectare critical area sa timog ng Manila Bay.
Isa itong Wetland of International Importance na pinangangalagaan laban sa banta reclamation sa pamamagitan ng Republic Act 11038 or the Expanded National Integrated Protected Areas System (E-NIPAS) Act na inakda ni Villar.
Isinusulong ng senador na mas marami pang lugar ang mailagay sa government protection sa ilalim ng E-NIPAS Act.
“We have to put in place adequate conservation measures and appropriate management schemes to safeguard the biodiversity of ecologically rich and biologically important areas in our country so that present and future generations will continue to benefit from it,” giit ni Villar.
Ang senador ang principal author E-NIPAS Act na nagpalawig sa talaan ng protected areas sa bansa na 107 na mula 13.
Kabilang dito ang mga tanyag na tourism destinations pati na rin ang internationally-recognized critical zones. Nilagdaan ang batas noong June 22, 2018.