NAGPASA ng panukalang batas si Sen. Cynthia A. Villar na naglalayong gawing institusyonal ang pagtatanim ng puno bilang ‘civic duty’ para sa lahat ng magtatapos ng senior high school at mga mag-aaral sa kolehiyo sa buong bansa.
Ang panukala ni Villar- Senate Bill No. 2834. o ang “Tree Planting Legacy of Graduates Act of 2024,” sa ilalim ng Committee Report No. 330 ay naglalayong tugunan ang mga hamon sa kapaligiran, partikular na ang mga epekto ng climate change.
Layunin din nitong pagyamanin ang kultura ng responsibilidad sa kapaligiran sa ating mga kabataan.
Sinabi ng chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources na ang panukalang ito ay nagbibigay ng isang proactive na solusyon.
“Beyond responding to immediate needs, this bill proposes long-term ecological benefits that will serve as a foundation for sustainable development. Central to this initiative are the trees that graduating students will plant—trees that will help restore ecosystems, protect communities, and mitigate the effects of climate change,” paliwanag ni Villar.
Sa kabilang banda, sinabi niya na ang mga benepisyo ng mga puno ay napakalawak.
“Trees play a vital role in addressing climate change by absorbing carbon dioxide, a major contributor to global warming. They act as natural barriers against floods, stabilize soil, and reduce the risk of landslides, particularly in vulnerable areas,” sabi niya.
Sinabi rin ng senadora na ang mga puno ay nakakatulong na kontrahin ang epekto ng urban heat sa mga siyudad.
Higit pa rito, pinapabuti ng mga puno ang kalidad ng hangin at sinusuportahan ang biodiversity sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tirahan para sa iba’t ibang uri ng hayop.
Ang Committee Report, ay pinagsama-samang panukala ng Committees on Environment, Natural Resources and Climate Change, Higher, Technical and Vocational Education, Basic Education, and Finance. Ito ay kapalit ng Senate Bill No. 1538 na inakda ni Sen. Ramon Revilla, Senate Bill 2228 na kanyang inakda, at Senate Bill No. 2691 na sinulong naman ni Sen. Raffy Tulfo.
Sinabi ni Villar na ang panukala ay dumating sa isang kritikal na sandali habang ang ating bansa ay nahaharap sa pagtaas ng pagkasira dulot ng mga bagyo.
“In July 2024, Typhoon Carina, combined with the southwest monsoon (Habagat), severely impacted Northern and Central Luzon, Metro Manila, and Southern Luzon, displacing more than 211,000 people and affecting 1.3 million Filipinos. The typhoon caused significant damage to infrastructure and agriculture, with the Department of Agriculture estimating losses at ₱696 million, severely affecting rice, corn, and other essential crops,” aniya.
Noong unang bahagi ng Setyembre 2024, sinabi niya na pinalala ng Bagyong Enteng (international name Yagi) ang sitwasyon, partikular sa Luzon at Visayas.
Ang mga madalas na sakuna na ito, ani ng senador, ay nagbibigay-diin sa kagyat na pangangailangan na tugunan ang pagkasira ng kapaligiran at palakasin ang disaster resilience sa Pilipinas.