GINAWARAN ng award ng Villar SIPAG ang mga nanalo sa taunang Las Piñas parol-making contest bilang pangako sa lantern industry ng siyudad.
“I commend all our participants who have continued to pursue their passion in creating unique and environment-friendly parols that make Las Piñas lanterns stand out among the rest,” sabi ni Sen. Cynthia Villar.
“I am truly proud that we have once again risen up to the challenge of honoring our annual tradition and spread holiday cheer and hope this season,” dagdag pa niya.
May 14 entries ang naglaban-laban sa lantern-making na ipinakita ang iconic at kakaibang simbolo ng galing Pasko ng mga Filipino.
Gumamit sila ng recycled at indigenous materials upang ipakita ang ispiritu ng Kapaskuhan.
Ginanap ang awarding ceremonies ng Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) sa Complex, C5 Extension, Las Piñas City.
Ang mga nagwagi sa taong ito – grand prize- Richard Loverez na tumanggap ng P20,000; first runner-up- Alicia Flores, P15,000, at second runner-up-Luzviminda Gallardo, P10,000.
Bahagi ang competition na isulong ang garbage recycling at efficient solid waste management.
Ginamit ang recyclable materials gaya ng shampoo sachets, soap cartons, straws, PET bottles, cans, used CDs at cardboard boxes pati ang organic items gaya ng clam and mussel shells.
Bukod sa pagpapakita sa pagiging masayahin ng mga Pilipino, ipinakita rin ang kanilang pangangalaga sa kalikasan.
Itinampok din ang awarding ng first inter-school Christmas Chorale Competition, na nilahukan ng 8 paaralan mula Las Piñas kung saan ang Las Piñas City National Science High School ang 1st na tumanggap ng 20,000, Talon Village National High School 2nd prize P15,000, at Las Piñas City National Senior High School-CAA Campus 3rd prize 10,000.
Binigyan ng special prize Las Piñas City Technical Vocational High School as Best in Christmas Costume and Las Piñas East National High School Para sa Best in Recycled Costume.
Brainchild ni Senador Cynthia Villar ang parol na kanyang sinimulan noong congresswoman pa siya ng Las Piñas City.
Noong 2007, sinimulang himukin niya ang mga magpaparol (lantern-makers) ng siyudad na buuin ang ‘Samahang Magpaparol ng Las Piñas.
Bilang suporta, itinayo ni Villar ang Las Piñas Parol Center, na training area sa lantern-makers.
“We want this unique tradition of parol making to be carried on by the younger generations, so we are supporting the industry,” ani Sen. Villar na ipinagmalaki ang pagsusulong sa Las Piñas Parol Festival kapag dumadalo siya sa festivals sa ibang bansa.
Aniya, muli nilang patutunayan na ang Las Piñas ang ‘Lantern Capital of Metro Manila’.