IPINAALALA ni Star for all Seasons Vilma Santos sa kaniyang fans na huwag makipag-away sa supporters’ ng ibang artista partikular na sa mga iniidolo si Superstar Nora Aunor.
Ito’y dahil mistulang nagkaroon ng giiran ang dalawang fan base kaugnay sa mga pelikulang pasok bilang official entries para sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).
Kung mapapansin, ang pelikula ni Vilma na may pamagat na “When I met you in Tokyo” ay kasama sa official entries.
Ngunit hindi naman nakapasok dito ang pelikula ni Nora na may pamagat na “Pieta”.
Ayon sa star for all seasons, lubos niyang pinapasalamatan ang kaniyang fans na dumipensa para sa kaniya laban sa posibleng masasakit na salitang ibinato ng kabilang kampo dahil nga dito sa MMFF.
Subalit masama naman aniya ang patulan ang isyu at mas mainam kung hayaan na lang at huwag na itong pansinin.