ILANG piraso at mga bahagi ng vintage bombs ang natagpuan ng mga staff ng Cafe de Almaciga sa Barangay Malico, San Nicolas, Pangasinan.
Nangyari ito nang nililinis nila ang paligid ng cafe ngayong araw ng Biyernes Santo, Marso 29, 2024 ganap na alas diyes kuwarenta ng umaga.
Ito ay pinaniniwalaang mga bombang naiwan noong panahon ng American Japanese war.
Matatandaan na ang Cafe de Almaciga at Reotutar’s ay matatagpuan sa Tall Mountain Trail kungsaan matatagpuan ang ilang Japanese foxholes at kasama ito sa adventure trail ng coffee shop at camp area.
Ang barangay Malico ay kabilang sa makasaysayang lugar ng sagupaang Amerikano at Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig at ngayon ay itinuturing na ecotourism site dahil sa malamig na klima ng lugar.