INIHAIN na sa piskalya ang reklamo laban sa mga opisyal na nag viral sa Barangay Muzon sa San Jose Del Monte, Bulacan na humadlang sa isang Grab rider na nagdeliver ng lugaw noong nakaraang buwan.
Grave Threat at Grave Coercion ang kasong inihabla ng Grab rider na si Marvin Ignacio at ng may-ari ng lugawan sa mga nasabing opisyal.
Ayon kay Ignacio, nakatatanggap ito ng pagbabanta sa kanyang Facebook account na labis aniya niyang ikinabahala.
Sinabi rin ni Mary Jane Resurreccion, may-ari ng lugawan na maging siya ay nakararanas ng harassment sa mga opisyal ng Barangay Muzon.
Matatandaang sa isang viral video, inihayag ng mga nasabing opisyal na hindi essential ang lugaw at lumabag ang Grab rider sa curfew.