Visa-free entry sa Taiwan muling binuksan simula Setyembre 29

Visa-free entry sa Taiwan muling binuksan simula Setyembre 29

SIMULA ngayong araw, maari nang maglakbay sa Taiwan ang mga Malaysian nang walang visa at hindi na rin kinakailangang kumuha ng COVID-19 PCR-test.

Kabilang sa visa exemption ang mga turista mula sa Chile, Japan, South Korea at Singapore.

Noong Setyembre 5, nauna nang inihayag ng Taiwan ang pagbabalik ng visa free entry para sa mga mamamayan ng United States of America, Canada, New Zealand, Australia at ilan pang mga bansa sa Europa.

Habang ang Malaysia noon ay nakalagay sa temporary suspended, kabilang ang bansang Singapore, Japan, South Korea, Thailand, Brunei, Chile, Israel, Russia, Dominican Republic, Nicaragua at Pilipinas.

Samantala, sa ilalim ng visa exemption, ang mga Malaysian passport holder ay pinahihintulutang manatili sa Taiwan hanggang 30 araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter