Visa free entry sa Taiwan para sa mga Pilipino, magbabalik na

Visa free entry sa Taiwan para sa mga Pilipino, magbabalik na

MAARI na muling makabiyahe patungong Taiwan ang mga may hawak ng Philippine passport na hindi na kinakailangan ng visa.

Ito ay dahil nakatakda nang ibalik ng Taiwan ang visa-free entry privilege para sa mga Pilipino simula sa Setyembre 29, 2022.

Sa inanunsyo ng Bureau of Consular Affairs ng Taiwan, ang visa-free entry privilege ay may tagal lamang ng hanggang 14 na araw.

Ang Visa Exemption Program ay magiging epektibo hanggang sa Hulyo 31, 2023.

Una nang pansamantalang sinuspendi ng Taiwan ang kanilang visa-free entry sa piling mga bansa kabilang ang Pilipinas.

 

 

Follow SMNI News on Twitter