MAINIT at buong puso ang naging pagtanggap ng mga Ilonggo sa kandidatura ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.
Patunay rito ang pagtitipon ng mga taga-suporta ni Pastor Apollo sa Western Visayas nitong Martes, Pebrero 11, 2025 para sa isang proclamation rally sa San Miguel, Iloilo.
Dumayo pa rito ang mga taga-suporta mula sa Aklan, Capiz, Antique, Guimaras, Iloilo City, at Boracay.
Batay sa mga nakapanayam ng SMNI News, puno ng pag-asa ang mga Ilonggo sa paparating na halalan dahil nakita nila sa Butihing Pastor ang katangian ng isang tunay na lider na may malasakit sa bayan at sa mga Pilipino.
Isa nga sa kaniyang pangunahing plataporma ang gawing first world country ang Pilipinas at ipatupad ang zero corruption policy, isang layuning sinusuportahan ni Guimbal mayoral candidate Eddie Gargaritano.
Ganito rin ang pananaw ni Iloilo first district congressional candidate Vic Tabaquirao at aniya, kahit hindi pa nananalo ang Butihing Pastor, malinaw na ang direksiyon ng kaniyang plano para sa bansa.
Sa kabuuan, nagpapasalamat ang mga Ilonggo sa desisyon ni Pastor Apollo na tumakbo bilang senador.
Para sa kanila, ang kaniyang mga adbokasiya ang susi sa isang mas maunlad at matatag na Pilipinas.
Follow SMNI News on Rumble