BINIGYAN ng pagkilala ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff (AFPCS), General Andres C. Centino ang mga nagawang accomplishments ng Visayas Command (VISCOM) sa kanilang mga Internal Security Operations (ISO).
Pinangunahan ni General Centino ang pagbibigay ng plaques of recognition sa mga miyembro ng nasabing team dahil sa malaking dagok at pagkatalo ng communist terror groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa kanilang lugar sa unang quarter ng taong 2023.
Anim na Plaques of Recognition ang iginawad ni Gen. Centino sa Team VISCOM, na tinanggap ng Unified Command ng AFP sa katatapos lang na AFP Command Conference 1st Semester 2023.
Dalawang award naman ang napunta sa JTF Storm (8th Infantry Division) dahil sa kanilang pakikibaka laban sa teroristang CPP-NPA sa Eastern Visayas, habang apat naman na parangal ang iginawad sa JTF Spear dahil sa kanilang major armed engagement laban sa CPP-NPA sa Western at Central Visayas.
Ayon kay LtGen. Benedict M. Arevalo Commander, VISCOM, AFP na ang mga natanggap nila na parangal ay magpapataas ng moral ng kanilang tropa sa patuloy na ginagawang pagsawata sa terorismo na dulot ng CPP-NPA sa Visayas Region sa lalong madaling panahon.