HUMINGI ng paumanhin ang vlogger na si Tor Bagtik kaugnay sa offensive remarks sa ilang nakatatandang katutubo.
Sa mga panayam, sinabi ni Tor Bagtik na wala siyang intensyon na sabihan ng masama ang ilang Alta-Manobo elders.
Aniya, layon lamang niya na tumulong sa mga ito ngunit dahil daw sa bilis ng kanyang pananalita ay hindi nito napansin na nakapagsabi ito ng hindi maganda.
Kaugnay niyan, humingi ito ng paumanhin sa lahat ng nasaktan sa kanyang naging aksyon.
Una namang kinondena ng Indigenous Peoples Mandatory Representative ang pahayag ng naturang vlogger sa Alta-Manobo Elders.
Maging ang United Moro and Indigenous Peoples Movement ay binatikos ang pahayag ni Tor Bagtik na bukod sa offensive umano ay nagpapakita ito ng diskriminasyon at kawalan ng respeto.