PINAGPAPLANUHAN ngayon ng German vehicle company na Volkswagen na mag-invest ng 180 billion euros sa loob ng 5 taon para sa massive production ng batteries at raw material para sa mas affordable na electric vehicles (EV).
Inanunsiyo ng kompanya na 2/3 sa naturang budget ay mapupunta sa electrification at digitalization para sa kanilang gagawing EV.
Naglalayon ang kompanya na makagawa ng isang abot-kayang EV-na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 25,000 euros sa taong 2025, kasabay ang pagpapanatili sa pagiging competitive ng mga combustion engine.