Volkswagen, planong magbawas ng staff sa kanilang mga planta

Volkswagen, planong magbawas ng staff sa kanilang mga planta

IKINOKONSIDERA ng German car giant na Volkswagen na bawasan ang bilang ng kanilang mga staff.

Maaaring iaalok nila sa mga ito ang early retirement na set-up.

Ayon sa management ng Volkswagen, bumaba ang orders ng kanilang produktong electric vehicles dahilan para bawasan na rin nila ang kanilang staff.

Hindi na rin anila nagkaroon ng malaking kita dito kahit pa gumastos sila ng ilang bilyong euros.

Noong Setyembre ay nasa 269 na mga trabaho ang inihinto ng Volkswagen sa kanilang planta sa Zwickau, Germany.

Follow SMNI NEWS on Twitter