Volleyball star na si Alyssa Valdez, nagpositibo sa COVID-19

Volleyball star na si Alyssa Valdez, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang isang volleyball star na si Alyssa Valdez.

Kinumpirma ito ng V Management Group, ang handler ni Alyssa sa pamamagitan ng isang social media post.

Ayon sa ahensya, sumasailalim na ngayon ang player sa mandatory protocols at nagpapagaling sa bahay nito.

Ang 28-anyos na Creamline Team captain ay unang nagpakita ng bahagyang sintomas ng naturang sakit at sa isang confirmatory RT-PCR test ay napag-alaman na ito ay nahawahan ng virus.

Nagpahayag naman ang ahensya ng pasasalamat sa mga nagpaabot ng suporta at panalangin para kay Valdez.

Dagdag pa ng ahensya, kaisa sila ng iba pang mga Pilipino sa pagdarasal para sa mabuting kalusugan at kaligtasan ng lahat.

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.