Volunteers ng ‘’One Tree, One Nation’’ sa San Fabian, Pangasinan, tumanggap ng Token of Appreciation

Volunteers ng ‘’One Tree, One Nation’’ sa San Fabian, Pangasinan, tumanggap ng Token of Appreciation

BILANG pagkilala sa kahanga hangang dedikasyon at suporta para sa adbokasiya ng ”One Tree, One Nation” na initiative ng Sonshine Philippines Movement sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, isang simpleng Token of Appreciation ang tinanggap ng mga volunteers sa katatapos lang na Mangrove Planting sa Brgy. Sobol, Baybay East, San Fabian, Pangasinan.

Kabilang sa mga tumanggap ng sertipiko ang Small Anchor Fisheries Association, Sanggunian Kabataan, Alpha Kappa Rho, Keepers Club International Region 1 Chapter.

Nagpasalamat rin sila kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa programa nito para sa bayan, partikular na sa pangangalaga sa kalikasan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter