Vote buying, ipinanukalang ituring na heinous crime – Kamara

Vote buying, ipinanukalang ituring na heinous crime – Kamara

IPINANUKALA ni Malasakit at Bayanihan Party-List Rep. Anthony Golez, Jr. na gawing isa sa mga heinous crime ang vote buying.

Sa kanyang House Bill No. 1709, sinabi ni Golez na maaaring 20 hanggang 40 taong pagkakakulong ang magiging parusa sakaling mapatunayang bumili ng mga boto ang isang politiko.

Paliwanag ni Golez, ang pagboto ay isang karapatan ng isang indibidwal at ang laganap na vote buying ay nakakabawas sa naturang karapatan.

Dagdag pa nito, ang eleksyon ay napakaimportanteng salik para sa nation-building kung kaya’t dapat lang na pahalagahan ito.

Follow SMNI News on Twitter