Vote buying sa Mariveles, Bataan, pinabulaanan ng isang mayoral candidate

Vote buying sa Mariveles, Bataan, pinabulaanan ng isang mayoral candidate

PINABULAANAN ni Mariveles, Bataan mayoral candidate Atty. AJ Concepcion ang ulat na umano‘y may vote buying na nangyayari sa kanilang lugar.

Kasunod ito sa isang nag-viral na video kung saan ipinakita ng isang babae ang pamamahagi ng ID card ng partidong Balikatan ng Bataan kapalit ang dalawang libong piso.

Sa panayam ng SMNI News, nilinaw ni Concepcion na ang nakuhang video ay mula sa aktibidad ng kanilang partido nang namahagi ito ng ID card sa kanilang mga myembro.

Ipinakita rin sa nag-viral na video na may kasamang sample ballot ang pamamahagi ng ID card subalit ayon kay Concepcion, kung tingnan nang maigi ay may malaking marka iyon na “for voter’s education”.

Ayon kay Concepcion, ang video ay galing sa incumbent mayor ng Mariveles na si Atty. Jo Castañeda.

BASAHIN: Multi-sectoral anti-vote buying campaign, inilunsad sa lalawigan ng Bulacan

Follow SMNI News on Twitter