‘Vote of anger’ mula sa publiko, asahan sa 2025 elections—political strategist

‘Vote of anger’ mula sa publiko, asahan sa 2025 elections—political strategist

PANAHON na naman ng eleksiyon sa Pilipinas. Panahon ng panunuyo ng boto, panahon ng pangangako at pagpapakilala ng mga politiko.

Pero batay sa pinakahuling pahayag survey ng Publicus Asia, ang problema sa korapsiyon at mahinang ekonomiya ng bansa ang pinaka-concern ng mga botante.

“Overall, ang trend sa state of the economy is weakening. At hindi sila masyadong nakakakita ng maaya-ayang economic situation sa next quarter. Ang feeling nila, ang bansa ay napapapunta sa maling direksyon,” ayon kay Prof. Malou Tiquia, Political Strategist.

Dagdagan mo pa ang isyu ng tumataas na kriminalidad sa Pilipinas.

At mga imbestigasyon sa Kongreso na sa tingin ng marami ay labas na sa in-aid-of legislation na trabaho ng mga mambabatas.

Dahil dito, mga botante na mismo ang nagsasagawa ng lifestyle check sa mga politiko.

Binubusisi ang presyo ng kanilang mga relo, sasakyan hanggang sa uri ng pamumuhay—lahat ginagawang topic sa social media.

Batay sa Republic Act 6713 o Code of Conduct for Public Officials and Employees, modest lives ang itinakda ng batas para sa mga taga-gobyerno.

Ibig sabihin, ‘yung uri ng pamumuhay na angkop sa kanilang posisyon at patuloy na igiit ang public interest sa halip na personal interest.

“Nakikita naming na marami nang napi-pierce. Binubuksan ‘yung issue tungkol sa korupsiyon. Andiyan ‘yung sa mga alahas, relo, damit ng mga kongresista. Andiyan ang sasakyan ng mga kongresista. Naandiyan ‘yung sense of entitlement and privileges ng mga kongresista, ng mga legislators,” dagdag ni Prof. Tiquia.

Dahil sa iba’t ibang issue sa bansa, inaasahan ni Prof. Tiquia na magiging mainit ang kampanya sa 2025 elections.

Nakikita rin niya ang posibleng paglitaw ng ‘vote of anger’ mula sa mga Pilipino.

Pambawi sa lahat ng mag hamon ng bansa na batay sa Publicus survey ay dapat na pangunahing tinutugunan ng gobyerno.

“Suriin po natin ang lahat ng kandidato. Mamili ho tayo, hindi ‘yung dati. Mamili siguro tayo ng bago na makaka-contribute ng maayos sa ating Kongreso at sa ating local government. Napakahalaga ho ng bagong dugo, bagong mukha, bagong paninilbihan dahil ‘yung datihan po, tingnan niyo naman kung anong narating natin,” diin nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble