Voter registration, Martes hanggang Sabado —Guanzon

MARTES hanggang Sabado lamang ang voter registration.

Ito ang nilinaw ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa kanyang Twitter post.

Sinabi ni Guanzon na walang voter registration tuwing Lunes dahil araw ito ng disinfection sa mga pasilidad ng Comelec.

Matatandaang ang dating iskedyul ng voter registration ay Lunes hanggang Biyernes.

Una nang sinabi ni Guanzon na magiging available na simula ngayong Pebrero ang pagpaparehistro para sa 2022 elections tuwing Sabado para ma-accommodate ang mga mag-18-anyos at ang mga nagtatrabaho ng weekdays.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.