Voter registration para sa BSKE, iniurong sa Oktubre —COMELEC

Voter registration para sa BSKE, iniurong sa Oktubre —COMELEC

SINUSPINDE ng commission on elections ang nationwide voter registration para sa brgy at sangguniang kabataan elections na nakatakda sana mula july 1 hanggang 11 ngayong taon.

Ayon sa COMELEC, ililipat ito sa huling linggo ng Oktubre pagkatapos ng Bangsamoro parliamentary elections.

“The voter registration will now take place in the last week of October after the Bangsamoro parliamentary elections, and will run until July 2026,” ayon kay Chairman George Garcia.

Tatakbo ang bagong voter registration period hanggang Hulyo 2026.

Sinabi ng poll body na bahagi ito ng paghahanda para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026.

Ito rin ay paghahanda sa posibleng pagpapatupad ng panukalang batas na pagpapalawig ng termino ng mga barangay official.

Sa ngayon, inaantay nalang ang pirma ng pangulo para tuluyang maisabatas ang panukala.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble