Voter turnout sa overseas voting ngayong eleksyon, umabot sa 34.88%– COMELEC

Voter turnout sa overseas voting ngayong eleksyon, umabot sa 34.88%– COMELEC

UMABOT sa 34.88 porsiyento ang voter turnout para sa overseas absentee voting ngayong halalan 2022 ayon sa Commission on Elections (COMELEC).

Mas mataas ito kung ikumpara noong taong 2016 elections na may 31.45 percent voting turnout.

Sa 2022 elections ay mayroong halos 1.7M registered voters overseas.

Pinakamaraming botante ang Middle East na sinundan ng Asia Pacific at pumangatlo ang America.

Sa kabila naman ng mga konting aberya sa vote counting machines (VCMs) at isyu sa mga pre-shaded ballot, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na matagumpay at malinis ang nangyaring eleksyon sa abroad.

Follow SMNI News on Twitter