PLANO ng Commission on Elections (COMELEC) na ipapa-annul o ipawalang-bisa ang voters’ list matapos ang 2025 midterm elections.
Ayon kay COMELEC Chairperson George Garcia, ang annulment ay para magkaroon ng panibagong re-registration ng mga botante.
Dagdag pa nito, ito’y para may pagkakataon ang lahat na makapagparehistro upang malaman ang totoong bilang at mawala ang duda na ‘bloated’ ang listahan.
Tugon na rin ito ng poll body sa mga ulat na mayroong mga bagong botante sa mga lugar tulad ng Batangas, Makati, at Nueva Ecija na nauugnay pa sa paggamit ng kaduda-dudang barangay certificates bilang ‘proof of residency’.