Voter’s Registration Act, nais amyendahan ni COMELEC Commissioner Garcia

Voter’s Registration Act, nais amyendahan ni COMELEC Commissioner Garcia

NAIS amyendahan ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia ang Voter’s Registration Act pagkatapos ng 2022 general elections.

Ani Garcia, ito ay upang matugunan ang loopholes sa sistema ng COMELEC.

Ito ang naging pahayag ni Garcia sa gitna ng ulat na may mga namatay na nasa listahan pa rin ng mga botante.

Ipinangako rin ni Garcia na agad niyang aayusin ang Voter’s Registration Act o Republic Act 8189.

Nagpahayag din ng pag-aalala si Garcia sa posibleng abala kung ang voters’ information ay isasama na sa National ID System.

Dagdag pa ni Garcia, dapat tuloy ang pag-issue ng COMELEC ng Voter’s ID para matukoy ang mga naka-rehistro sa eleksyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter