Voter’s registration, muling bubuksan ng Comelec sa Setyembre 1

Voter’s registration, muling bubuksan ng Comelec sa Setyembre 1

MULING ipagpapatuloy ng Commission on Election (COMELEC) sa darating na Setyembre 1 ang voter’s registration.

Ito ang naging pagbabahagi ni Comelec Director at Spokesman James Jimenez sa naging panayam ng SMNI News.

Aniya, tuloy ang voter’s registration maliban sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

“Lahat ng mga areas na GCQ, MGCQ at walang quarantine ay magtutuloy-tuloy na iyan. Pero katulad ng mga lugar na may ECQ pa o MECQ katulad ng NCR, hindi muna. Pero sa September 1 pa naman tayo mag-decide kung ano ang pwede at hindi. So yung NCR, pwedeng humabol pa yan.” Dir. James Jimenez, Spokesman, Comelec

Giit pa ni Jimenez na ang bawat Comelec office ay tatanggap lamang na 50% capacity sa loob mula Martes hanggang Sabado.

Mahigpit din aniya nila ipatutupad ang cut-off sa pagtanggap ng aplikasyon.

Dagdag pa ng tagapagsalita na hindi rin muna sila tatanggap ng voter’s registration sa online.

Maglalaan din anila sila ng express lane para sa mga PWDs at senior citizens.

Giit pa ni Jimenez na aabot sa 3 hanggang 4 milyong botante ang magpaparehistro hanggang sa susunod na taon.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.