BINISITA ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang Pinaglabanan Elementary School sa San Juan City ngayong Martes, Disyembre 13, 2022.
Ito ay kasabay ng paglulunsad ng Libreng Internet Education Program sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Ayon sa San Juan City Government, lahat ng 13 paaralan sa lungsod ang kakabitan ng libreng optic internet connection, WiFi, at Smart TVs.
Pinangunahan din ni VP Duterte at San Juan Mayor Francis Zamora ang ceremonial turnover ng mga uniporme ng mga estudyante sa nasabing paaralan.