HINIMOK ni Vice President at Education Sara Duterte ang mga magulang ng Roxas City sa Capiz na makiisa sa paglaban sa terorismo at kriminalidad.
Isa ito sa laman ng kaniyang mensahe bilang panauhing pandangal sa ginanap na “Capiztahan 2023 Maragtas sang Capisnon”.
Pinatitiyak ni VP Duterte sa mga magulang na ilayo ang kanilang mga anak sa kapahamakan gaya na lamang ng insurhensiya, terorismo, iligal na droga, at kriminalidad.
Nanawagan din ang pangalawang pangulo na paniguraduhin na ang mga kabataan ay pumapasok sa paaralan.
Paliwanag ni VP Duterte na ang susi sa tuluy-tuloy na kaunlaran ay edukasyon.