VP Sara Duterte, ikinagalak na makapagdayalogo at makausap ang Private Schools Association

VP Sara Duterte, ikinagalak na makapagdayalogo at makausap ang Private Schools Association

IKINAGALAK ni Vice President Sara Duterte na makapagdayalogo at makausap ang Private Schools Association noong nakaraang linggo.

Isa sa mga napag-usapan ang pagpapatupad ng MATATAG Curriculum para sa SY 2024-2025 upang masiguro na maayos ang implementasyon nito.

Napakinggan din ang kanilang mga hinaing at napag-usapan kung ano pa ang karagdagang suporta na maaaring maipagkaloob ng kagawaran sa kanila.

Pinaabot ni VP Duterte sa kanila na bukas ang kagawaran sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga guro kaugnay rito.

Nagpapasalamat din ito sa kanilang oras na inilaan, mga suhestiyon, at mga payo.

Iminungkahi nito na gawing regular ang ganitong pagpupulong kasama ang kagawaran.

Aniya, makakaasa sila na patuloy ang suporta ng kagawaran upang makamit ang pangarap para sa mga Pilipinong mag-aaral.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble