MAGSISILBING caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang nasa Singapore si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para sa pakikiisa sa 10th Asia Summit.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil nitong Huwebes, Setyembre 14.
Dagdag pa ni Garafil, sa araw ng Linggo pa ang pagbabalik sa bansa ni Pangulong Marcos.
Dumating si Pangulong Marcos sa Singapore nitong Miyerkules kung saan humarap ito sa economic managers at business leaders sa ginanap na summit.
Ngayong Huwebes naman, ay nakikipagpulong ang Pangulo sa iba’t ibang business groups.
Bukod sa Asia Summit, inaasahang dadalo rin si Pangulong Marcos sa finals ng Formula One Singapore Grand Prix 2023.
Ito ay sa imbitasyon ni Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.