NAKIISA si Vice President Sara Duterte ngayong araw sa selebrasyon ng 10th Santa Maria Marilag Festival sa Laguna Town Plaza.
Ayon kay VP Duterte, ang araw na ito ay pagbibigay-pugay sa mga magsasaka sa kanilang sakripisyo, debosyon at suporta para sa paglago ng industriya ng agrikultura sa bansa.
Kilala bilang “food basket” ng Laguna, tunay na kahanga-hanga rin ang Santa Maria sa malaking papel nito para sa pag-unlad at pagpapanatili ng ekonomiya at pamumuhay ng kanilang bayan.
“Ipinarating ko rin sa mga residente ng Santa Maria na ang Office of the Vice President (OVP) ay laging handang tumulong sa kanila sa pagbibigay ng mga proyektong pang-entrepreneurship tulad ng Magnegosyo Ta ‘Day (MTD),” pahayag ni VP Sara Duterte.
Sinabi ng pangulong pangulo na layunin ng Magnegosyo Ta ‘Day (MTD) na matugunan ang kakulangan ng hanapbuhay at dagdagan ang kita ng mga kababayan sa mga komunidad na laganap ang kahirapan.
“Bilang kalihim ng Department of Education, binigyang-diin rin natin sa mga magulang na tiyaking nag-aaral ang kanilang mga anak, at makiisa sa panawagan sa paglaban sa lokal na terorismo dahil sinisira nito ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” dagdag ni VP Duterte.
“Protecting Filipino children is protecting the Philippines. At magkapit-bisig tayo sa paglinang ng marami pang mga paraan para tayo ay umunlad at maisulong ang pagtatayo ng isang maunlad, matibay, at marilag na Pilipinas,” aniya.