VP Duterte, sinagot ang umano’y planong impeachment laban sa kaniya

VP Duterte, sinagot ang umano’y planong impeachment laban sa kaniya

HINDI pinalagpas ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte na sagutin ang mga isyung ipinupukol sa kaniya kamakailan sa isang ambush interview sa Quezon City.

Kabilang sa sinagot ni VP Sara ay tungkol sa umano’y planong impeachment laban sa kaniya ng ilang kongresista.

“We are currently doing our due diligence about this one, and then we will release a comment at the appropriate time,” ayon kay Vice President Sara Duterte.

Umano’y pagkakawatak-watak ng UniTeam, pinabulaanan ni VP Sara

Pinabulaanan naman ng pangalawang pangulo ang umano’y pagkakawatak-watak ng UniTeam.

Tinitiyak ni VP Sara na okay sila ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at may tiwala pa rin sa kaniya ang pangulo.

“Well I believe that I still have the trust of President Ferdinand Marcos, Jr.” dagdag ni Vp Sara.

VP Duterte, walang planong tumakbo bilang pangulo sa 2028

Binigyang-diin naman ni VP Sara na wala siyang ambisyon na maging presidente sa 2028.

“Hindi ko naman talaga ambisyon na tumakbong vice president and lalong lalo na ang president. Alam niyo naman lahat ‘yan. Sinabi ko noon na hindi ko gustong tumakbong president,” wika ng VP Sara.

Dagdag ng pangalawang pangulo na ang plano pa rin ng Diyos ang mananaig.

“Lahat ng ginagawa natin, we can only plan, but it will truly be God’s plan that will prevail,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter