VP-elect Sara: Walang makatatalo sa tibay ng puso ko

VP-elect Sara: Walang makatatalo sa tibay ng puso ko

“WALANG makatatalo sa tibay ng puso ko,” ito ang isa sa katagang binatawan ni Vice President-elect ‘Inday’ Sara Duterte-Carpio sa kanyang inaugural speech nitong Linggo ng hapon sa San Pedro Square, Davao City.

Ayon kay VP Sara, hindi man siya ang pinakamatalino at pinakamagaling ngunit walang makatatalo sa kanyang lakas ng loob.

“Ako po si Inday Sara. A proud Dabawenya. A proud Mindanawon. Hindi ako ang pinakamagaling, o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo — ngunit walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Pilipino,” ayon kay VP-elect Sara Duterte.

Naniniwala rin si VP Sara na ang kanyang mga narating ngayon ay bahagi ng kalooban ng Diyos sa kanya na maglingkod sa tao.

“My life is a testament to the power of a God whom we know by many names. My younger self was consumed by a dream to become a doctor. I pursued a pathway that I thought could help me realize that dream, but I was directed toward another way and now I am a lawyer, I am now the Vice President-elect,” ani ni VP-elect Duterte.

Nagpapasalamat naman si VP Sara sa mahigit 32 milyong mga pinoy na nagtiwala sa kanya at nagbigay sa kanya ng mandato para maglingkod sa bayan.

“The voice of 32.2 million Filipinos was loud and clear — with the message to serve our motherland. And this message has been reiterated in my oath: to consecrate myself to the service of the nation,” dagdag ni Inday Sara.

Pinasalamatan din ni VP Sara mga lider ng bansa at public servant na nagaalay ng kanilang serbisyo para sa mga Pilipino.

Kaugnay nito, batid ni VP Sara na napakaraming suliranin sang kinahaharap ng bansa gaya ng kahirapan, insurhensya, droga, teen-age pregnancy, HIV, diskriminasyon at iba pa.

Nangako naman maglilingkod ng tapat para matugunan ang mga suliraning ito.

 

Follow SMNI News on Twitter