VP Robredo, ayaw ng nakararaming botante base sa takbo ng kanyang kampanya – political analyst

VP Robredo, ayaw ng nakararaming botante base sa takbo ng kanyang kampanya – political analyst

NAKAKUHA ng malaking distrust rating mula sa mga botante si Vice President Leni Robredo ayon sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.

Sa limang pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan, si Robredo ang number 1 sa ’total disapproval’ rating sa 42.2%.

At ayon sa Publicus, hudyat ito na maraming Pilipino ang walang bilib sa performance ng bise-presidente na ngayo’y tumatakbong pangulo ng bansa.

Sa isang panayam sa SMNI News, inihayag ng political scientist na si Dr. Antonio Contreras kung paanong ang mababang rating na ito ng VP ay nakakaapekto sa kanyang kandidatura.

At ngayong umuusbong ang usapin ng united opposition para labanan ang frontrunners na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte, narito ang pahayag ni Contreras kung bakit hindi nagkaroon nito kung si Robredo ang ilalagay na opposition leader.

“Well sinasabi nga ni Senator Lacson at saka nag-a-agree naman yung iba sa mga kasamahan niya on the press conference, the reason why Bongbong Marcos, is ahead so far is because there are many people who are not necessary loyalist of Marcos syempre they don’t just like Leni and there is a basis for that because a survey showed that she is the most disliked presidential candidate. In fact there is a survey that said 45% ang ayaw sa kanya, hindi siya iboboto. So it’s not just that mababa ang mga may gusto sa kanya, malayo kay Marcos, malaki rin yung lamang niya pagdating sa sino yung hindi iboboto siyang number 1. So may data diyan. So that, totoo yung claim na maraming ayaw sa kanya,” pahayag ni Contreras.

Nauna nang sinabi ni presidential candidate Ping Lacson na nag-alok ito noon ng formula kay VP Robredo para magkaroon ng united opposition.

Pero ayon kay Contreras, tapos na ang usapin sa United Opposition.

Nitong nakaraang linggo, pinagwi-withdraw ni presidential candidate Isko Moreno si Robredo.

“Ako nga ayaw ko sanang sabihin to baka may magalit you know, parang ang contest nito parang ang pinag-aawayan sino ang runner up. Di ba? Parang salutatorian ang pinagtatalunan. Kasi yung isa ay given na. Parang nagpupukpukan sila, nagsisiraan kung sino ang hahawak ng magiging bridesmaid. Di ba? never the bride. Not the valedictorian, not the winner, not the Miss. Universe. Parang ganon yung nagiging contest ngayon eh,” ani Contreras.

Follow SMNI News on Twitter