NAGBIGAY si Vice President Leni Robredo ng mga rekomendasyon ngayong muling isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) sa loob ng dalawang linggo.
Partikular sa mga iminungkahi ni Robredo ay ang suporta sa mga ospital, mas maigting na testing, contact tracing, at vaccination efforts at mabilis na pagbibigay ng ayuda.
Ayon kay Robredo, dapat paabutin ng 750,000 kada araw ang nababakunahan para mapabilis ang pag-abot sa herd immunity.
Dapat din aniyang itaas sa 120,000 kada araw ang COVID-19 testing mula sa dating 50,000 at gumamit ng single contact tracing app.
Iginiit ni Robredo na hindi mangyayari ang last ever ECQ gaya ng hiling ng Palasyo kung mananatiling “status quo” ang mga ipinatutupad na hakbang laban sa COVID-19.
Binigyan-diin ng bise presidente na para marating ang goal na ito ay kailangan tingnan ang lockdown bilang stopgap measure lang.
BASAHIN: Maynilad at Manila Water, inatasang suspendihin ang disconnection activities sa panahon ng ECQ