NILINAW ni Vice President Leni Robredo na hindi siya ang babaeng nagpabakuna sa isang larawan na nag-viral sa social media.
Sinabi ni Robredo sa kanyang post na nakakatawa ang nag-viral na larawan kung saan ay napagkamalang siya ang babaeng nagpabakuna.
Hindi aniya sana papatulan pa ang mga ganitong bagay ngunit marami na daw kasing nagpapadala ng mga screenshots sa kanya.
Panawagan naman ni Robredo sa mga taong hindi busy na i-report na lamang ang kumakalat na larawan.
Dagdag pa ng Pangalawang Pangulo sa kanyang post na may nakapagsabi sa kanya na ang babaeng nasa larawan ay isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) na si Dr. Flordeliza Grana.
Aniya, nakasuot ang doktora ng “bakuna” blouse kung saan ay may siwang ang sleeve nito.
“Sorry, Dra. Nadamay ka pa tuloy,” ang paumanhin na pahayag ni Robredo sa doktora.