MARIING iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya ng konstitusyon bilang pangulo ng bansa, tanging siya lang aniya ang may karapatan na magdesisyon kung ano ang dapat nitong gawing o pairalin na polisiya sa bansa.
Kasunod ito ng pagtutol ni Vice President Leni Robredo sa paghingi ng bayad ni Pangulong Duterte sa napipintong pagsasabuhay o pagpapanumbalik sa bisa ng Visiting Force Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Matatandaang sinabi ni Robredo na ang pagghingi ng bayad ng pangulo ay parang gawain lamang ito ng isang kriminal.
Ipinunto ni Robredo na nakaangkla ang VFA sa mutual benefit ng Pilipinas at US at hindi sa pera at para kay Robredo ay nakakahiya ang naging posisyon ng Pangulo sa isyu.
Iminungkahi naman ng bise presidente na imbis na humingi ng bayad ay dapat ilatag na lamang ng bansa ang mga dahilan kung bakit ayaw nito sa VFA at kung bakit sa palagay nito ay nakakasama sa atin ang kasunduan.
Ipinunto rin ng pangulo na hindi nito nagugustuhan ang kasunduan sa pagitan ng American forces at Pilipinas dahil hindi rin gaanong napapakinabangan ng Philippine forces ang mga kagamitan ng mga Amerikano ng gaya ng pakinabang na nakukuha nito sa Pilipinas habang naninirahan ang mga ito sa bansa.
Dahil pagkatapos ng pagsasanay, dinadala din ng mga Amerikano ang mga kagamitan nito pabalik sa kanillang bansa.
Isa aniya ito sa mga dahilan na hindi alam ni Vice President Leni Robredo.
Giit pa ng pangulo, kapansin pansin na hindi alam ni VP Leni ang kaniyang ginagawa sa gobyerno.
Kaugnay nito, mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na kabado siya sa magiging estado ng Pilipinas kung mamalasin na maging susunod na pangulo ng bansa si VP Leni.
Samantala, taong 2020 nang tuluyan nang tinuldukan ng pamahalaan ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, matapos mag-abiso ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa gobyerno ng Estados Unidos.
Sinabi rin ni Pangulong Duterte dapat rin aniya magpakonsulta si Lacson sa abogado bago ito maglabas ng saloobin sa social media tungkol sa nasabing usapin.
Nauna na rin kasi na pinangambahan noon n Senator Panfilo Lacson ang pagtatapos ng VFA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas dahil posibleng makaapekto ito sa military approach ng bansa gaya ng maintenance sa mga kagamitang pandigma.