VP Robredo, taksil – Usec. Badoy

VP Robredo, taksil – Usec. Badoy

PINAGTAKSILAN tayo ng Bise Presidente Leni Robredo.

Ito ang hayagang sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson for Sectoral Concerns Lorraine Badoy sa ginanap na press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City matapos maghain ng counter-affidavit laban sa KABAG Bloc.

Sinabi ni Badoy na nakipagsabwatan si Vice President Leni Robredo sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) para lamang makuha ang kanilang endorsement ngayong eleksyon.

Sinabi rin ni Lorraine na imposible na basta na lamang magugustuhan ng CPP-NPA si Leni Robredo at i-endorso ng KABAG na konektado sa teroristang grupo.

Aniya pa, hindi lamang isa o dalawa kundi maraming mga dating miyembro ng NPA ang makapagpatotoo at makapagsasabi na alam ni Robredo na CPP-NPA ang kausap niya.

Samantala, sinagot din nito ang akusasyon ni Rappler CEO Maria Ressa na ang kanyang pag-uugali ay “hindi nararapat sa isang mataas na opisyal” matapos nitong sabihin na mouthpiece ng terrorist organization ang Rappler.

Totoo naman aniya ito dahil parang website ng CPP ang Rappler kung babasahin ang kanilang artikulo.

Sinabi pa ni Badoy na walang mas mabuting pag-uugali ng isang mataas na opisyal ng gobyerno kaysa sa manindigan at gawin ang kanyang panunungkulan upang talunin ang isang teroristang organisasyon na sumisira sa mamamayan.

Follow SMNI NEWS in Twitter