VP Sara, aminadong marami pang lugar sa bansa ang hindi naaabot ng social services ng OVP

VP Sara, aminadong marami pang lugar sa bansa ang hindi naaabot ng social services ng OVP

MARAMI pang lugar sa bansa ang hindi pa naaabot ng social services ng Office of the Vice President (OVP).

Ito ang paglalahad ni Vice President Sara Duterte kung bakit aniya kinakailangan na magdagdag ng mga tanggapan.

“Mayroon pang mga areas sa Mindanao, even sa Luzon. Sa Luzon, Visayas, Mindanao na wala kaming presence. Ang nangyayari is ang mga tao ang mga pumupunta doon sa satellite offices namin. So yun yung tinitingnan namin kung saan maging parang idivide geographically yung areas ng coverage ng satellite offices namin, making it more easier para sa mga kababayan natin na lumapit at humingi ng assistance,” ayon kay VP Sara.

Inihalimbawa ni VP Duterte ang sitwasyon sa satellite office sa Dagupan kung saan bumibiyahe pa mula sa malalayong lugar ang mga nais dumulog sa OVP.

Dahil dito, plano ng tanggapan na makapagpatayo ng nasa isa hanggang 3 satellite offices sa 2023.

Pero ani Duterte na magdedepende sila sa pondo at assessment ng mga satellite managers.

“I-assess lang namin kung gaano ka…gaano ka…yung budget namin kung paano niya maaccommodate yung additional 1-3 satellite offices. At kung ilan talaga will end up with, depende sa assessment namin because as an example sa ngayon yung Dagupan Office gets clients as far as Isabela. Pumupunta sila doon. Naghihire sila ng jeep. Nagbibiyahe sila papuntang Dagupan,” ayon pa kay VP Duterte.

Sa ngayon, nasa 7 pa ang satellite offices ng OVP.

Matatagpuan ang mga ito sa Dagupan City, Cebu, Tacloban, Tandag, Bacolod, Zamboanga at Davao.

Follow SMNI NEWS in Twitter