VP Sara, binigyang-diin ang importansiya ng edukasyon sa ika-4 na founding anniversary ng City College of Davao

VP Sara, binigyang-diin ang importansiya ng edukasyon sa ika-4 na founding anniversary ng City College of Davao

BINIGYANG-diin ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa mga kabataan ang importansiya ng edukasyon bilang susi sa magandang kinabukasan sa ika-4 na founding anniversary ng City College of Davao noong Lunes, Enero 22, 2024.

Pinasalamatan din ni VP Sara si Dr. Wenefredo Cagape sa ibinigay na tulong at suporta simula pa noong una upang maisakatuparan ang City College of Davao.

Inaalala rin ni VP Sara kung saan kaliwa’t kanan ang kanilang isinagawang pagpupulong ni Councilor Pilar Braga upang masiguro na maisakatuparan ang mga plano para sa City College of Davao sa layunin na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataan na nagnanais na makapagtapos sa pag-aaral.

Aniya, sa pamamagitan nito, maraming magagandang oportunidad ang magbubukas para sa kanila na magiging tulay upang makamit ang kanilang mga pangarap.

“To the esteemed students, the esteemed local government, and all esteemed stakeholders in Davao City, we extend our heartfelt appreciation for your unyielding support from the inception until the present day, as it has been the pivotal factor behind our triumphant accomplishments. Let us persist in our collaborative endeavors to guarantee that every youth in Davao is endowed with the opportunity to pursue higher education and actualize their aspirations for a superior existence. Collectively, we are not solely imparting knowledge to individuals; instead, we are erecting a more robust and dynamic society. Accordingly, let us harmoniously toil towards transforming the City College of Davao into a paragon of educational excellence for the entire populace of Davao City,” ayon kay VP Sara Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble