BINIGYANG-diin ni Vice President Sara Duterte ang kahalagahan ng sining sa overall growth ng mga bata.
Ito ang isa sa nilalaman ng kaniyang talumpati bilang panauhing pandangal sa selebrasyon ng Higantes Festival sa Angono, Rizal.
Ayon kay Duterte, ang nasabing pagdiriwang ay mahalaga dahil ipinapakita nito na ang sining ay isang makapangyarihang simbolo na makatutulong sa pagkakaisa at pag-unlad ng ating mga kabataan.
Dagdag pa ng pangalawang pangulo na sa pamamagitan ng sining ay nahuhubog ang creativity, skills at talento ng mga bata sa murang edad.
Sa huli ay sinabi ni Duterte na nawa’y maging inspirasyon ang Higantes Festival na buhayin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pamamagitan ng sining.