BINISITA ni Vice President Sara Duterte ang Mommy Store sa Brgy. Sum-ag sa Bacolod City.
Ito ay pag-aari ng nanay ni Naomi, isa sa mga napili sa programang You Can Be Vice President ng OVP na nakasama ni VP Sara sa kaniyang opisyal na pagbisita sa bansang Brunei at Singapore noong nakaraang taon.
Isa rin siya sa mga benepisyaryo ng programang MagNegosyo Ta ‘Day at masaya ang bise presidente na makita na patuloy ang kaniyang negosyo at nakakatulong sa kanilang pamilya.
Kinamusta rin ni VP Sara si Naomi lalo na sa kaniyang pag-aaral at natuwa itong malaman na aktibo siya sa kaniyang paaralan.
Ayon kay VP Sara na pinaalala nito sa kaniya na mag-aral nang mabuti at tapusin ito dahil ito ang makapagbabago ng buhay niya at ng kaniyang pamilya.
Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.